Daytime videoke at karaoke ipinagbawal na sa Maynila mula Lunes hanggang Sabado
Bawal nang mag-videoke at karaoke sa lungsod ng Maynila kapag umaga mula Lunes hanggang Sabado.
Base ito sa nilagdaang ordinansa ni Manila Mayor Isko Moreno.
Ipinasa ang ordinansa na nagbabawal sa daytime videoke at karaoke sa Maynila kapag Lunes hanggang Sabado matapos may matanggap na mga reklamo mula sa mga magulang at estudyante na naiistorbo sa kanilang online classes.
Sa ilalim ng rdinance No. 8688 sinabi ni Moreno na bawal ang paggamit ng karaoke at videoke machines at iba pang sound-producing devices mula alas 7:00 ng umaga 7:00 hanggang alas 5:00 ng hapon Lunes hanggang Sabado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.