Yellow rainfall warning nakataas pa rin sa mga lalawigan sa Southern Luzon

By Dona Dominguez-Cargullo October 08, 2020 - 02:35 PM

Nananatiling nakataas ang heavy rainfall warning ng PAGASA sa mga lalawigan sa Southern Luzon.

Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 2:30 ng hapon ng Huwebes, Oct. 8 ay yellow warning na ang nakataas sa Cavite, Laguna, Batangas at Quezon.

Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mga mabababbang lugar at pagguho ng lupa sa bulubundukinig lugar.

Ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng Low Pressure Area at ng Habagat.

Samantala, sinabi ng PAGASA na sa susunod na mga oras ay makararanas din ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Zambales, Nueva Ecija at Tarlac.

Habang ganitong lagay na ng panahon ang umiiral sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Bataan at Pampanga.

 

 

TAGS: Batangas, cavite, Inquirer News, laguna, News in the Philippines, Quezon, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, yellow warning, Batangas, cavite, Inquirer News, laguna, News in the Philippines, Quezon, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, yellow warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.