National budget nabinbin sa Kamara ng isang buwan – Sotto
Bumwelta si Senate President Tito Sotto III sa Kamara kaugnay sa isu ng posibilidad na ma-delay ang pagpasa ng panukalang pambansang pondo.
Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Sotto na hindi katanggap-tanggap na ipinapasa ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa Senado ang sisi sakaling ma-delay ang pagpasa ng budget.
Ayon kay Sotto, dapat maisumite ang national budget sa Senado bago ang napagkasunduang orihinal na petsa na Oct. 17.
Sa kaniyang tweet sinabi ni Sotto na isang buong buwan na nabinbin sa Kamara ang pambansang budget.
“Do not be misled. The HOR has delayed the budget for a whole month. Noone can ever blame the Senate for this delay. NEVER!” ayon kay Sotto.
Una nang nagbabala ang mga senador na maaring magkaroon ng re-enacted budget sa taong 2021 matapos na agad mag-suspinde ng sesyon sa Kamara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.