Sen. Lacson: Mali si Speaker Cayetano sa ‘one day statement’
Sinabi ni Senator Panfilo Lacson na dapat hanggang sa darating na October 14 ay naipadala na sa Senado ang inaprubahang General Appropriations Bill o GAB mula sa Kamara.
Kayat aniya malinaw na mali ang pahayag ni House Speaker Alan Peter Cayetano na isang araw lang ang nawala sa dapat na pagpasa nila ng 2021 proposed national budget kundi isang buwan.
Ayon kay Lacson kinausap niya si Cayetano para hilingin kung maari silang mag-balik sesyon para ipasa na hanggang sa 3rd reading ang GAB bago ang Todos los Santos at agad na maipadala sa kanila.
Dagdag pa ni Lacson na sinabihan din niya si Cayetano na kailangan ng finance committee vice chairpersons ng kahit isang linggo para suriin ang bersyon ng Kamara ng GAB at dagdag na isang linggo pa para pag-isahin ng Committee on Finance ang lahat para sa pagsusumite ng final committee report.
Sa pagbalik ng sesyon sa Nob. 16 ay maari nang umpisahan ang mga debate.
Diin ng senador sa ganitong paraan lang matitiyak na maipapasa ang proposes 2021 national budget sa takdang panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.