Dating NYC Comm. Victor del Rosario nagsimula na sa bagong posisyon sa DOLE

By Jan Escosio October 08, 2020 - 12:15 PM

Nanumpa na bilang assistant secretary ng DOLE si dating National Youth Commission Commissioner Victor A. del Rosario.

Sa kanyang panunumpa kay Labor Sec. Silvestre Bello III, pinasalamatan ni del Rosario sina Pangulong Duterte at Sen. Christopher Go sa pagtitiwala at kumpiyansa sa kanya.

Sinabi pa nito na bibitbitin niya sa DOLE ang kanyang malasakit sa mga kabataan, na kabilang sa mga sektor na nawalan ng kabuhayan dahil sa pandemiya.

Nangako din ito na isusulong ang kapakanan at interes ng mga manggagawang Filipino sa gitna ng pakikipaglaban ng gobyerno sa COVID 19.

Bago siya maupo sa NYC, naging director at president / CEO nominee si del Rosario ng Philippine Sugar Corp., at naitalaga din ni Pangulong Duterte na miyembro ng Appeals Committee ng MTRCB.

Nag-iwan ng marka sa NYC si del Rosario dahil sa kanyang mga programa para sa Sangguniang Kabataan kahit sa gitna ng pandemiya.

 

 

 

 

 

TAGS: asec, DOLE, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Victor A. del Rosario, asec, DOLE, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Victor A. del Rosario

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.