Ayon sa batang Duterte, maaring palitan ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco si Speaker Alan Peter Cayetano kahit pa sinasabi nito na suportado siya ng mga kapawa kongresista.
Sa isang statement, sinabi ni Pulong na karapatan ni Velasco na iggit ang term-sharing agreementsa pagitan ni Cayetano nabuo sa harap ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang taon.
“It can’t be denied that such term-sharing agreement was made before.
Because of this, Congressman Velasco has the right to assert his claim to the Speakership,” saad ni Rep. Duterte.
Nagpahayag din ng kalungkutan ang batang Duterte dahil sa isyu ng term-sharing agreement kaya ang Kamara ngayon ay nababalutan ng putik sa away ng mga taong malalapit sa kanya.
Nakakalungkot any ana hati ngayon ang Kamara dahil sa isyu at kapag nanatil;I ito ay mabibigo sila na gampanan ang mandato na inatang sa kanila ng taumbayan.
Sabi ni Pulong, “I am saddened that it has come to this—a House divided. And if we remain a House divided, we will fail in our mandate to serve the people as their representatives.”
Umaasa naman ito na maibabalik ng Kamara ang kanilang dignidad kapag natapos na ang agawan sa pagka-speaker.
Pinayuhan naman nito ang mga kapwa kongresista na kapag dumating ang araw na kailangan nilang pumili ng lider ng Kamara ay boboto ang mga ito sa kung sino ang ‘committed’, nakakaunawa sa kagustuhan ng kanilang mga kababayan, kaya silang ipaglaban at maibabalik ang pagkakaisa ng mga mambabatas sa kabila ng pagkakaiba.
“If and when the day comes that we are called to select the leader of this House, I hope we vote for someone who is committed, who understands what we want to achieve for our constituents, and who can fight for and with us, and unify the 300 members of this House of Representatives despite our many differences,” dagdag pa ni Pulong.
Magugunitang nagbanta ang batang Duterte na ipadedeklara niyang bakante ang posisyon ng speaker at mga deputy speaker matapos makaladkad ang kanyang pangalan sa agawan sa speakership post may kaugnayan sa 2021 national budget.