P96.6M na halaga ng smuggled na sigarilyo nakumpiska ng BOC

By Dona Dominguez-Cargullo October 08, 2020 - 10:21 AM

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Port of Davao ang aabot sa mahigit P96.6 million na halaga ng imported na mga sigarilyo.

Ang nasabing mga sigarilyo ay lulan ng apat na 40-footer container vans.

Ang nasabing mga kargamento ay unang inalerto dahil idineklara itong naglalaman ng kahon-kahong plastic cups at mga tela.

Naka-consigne ang mga kargamento sa Allycorp International Inc.

Nang buksan ang mga container van ay nakita ang 3,628 na kahon ng assorted branded na sigarilyo.

Nagpalabas agad ng Warrants of Seizure and Detentions (WSD) sa nasabing mga kargamento.

 

 

 

TAGS: BOC, Inquirer News, News in the Philippines, Port of Davao, Radyo Inquirer, smuggled cigarettes, Tagalog breaking news, tagalog news website, BOC, Inquirer News, News in the Philippines, Port of Davao, Radyo Inquirer, smuggled cigarettes, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.