Ito ay makaraang ilang araw na masuspinde ang biyahe nito dahil sa pagdami ng water hyacinths sa Pasig River.
Ayon sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sa pagbabalik operasyon ay lilimitahan lang ang biyahe ng Pasig River Ferry.
Ang magiging biyahe ay mula lamang sa Pinagbuhatan, Pasig hanggang sa Sta. Ana, Manila at pabalik.
Regular pa din ang ginagawang clean-up activities ng MMDA para maalis ang water hyacinths sa Ilog Pasig at iba pang basura gamit ang trash skimmer, trash boat, at trash trap.
MOST READ
LATEST STORIES