Pasig River Ferry balik na sa operasyon; biyahe, limitado lamang

By Dona Dominguez-Cargullo, Jan Escosio October 08, 2020 - 10:03 AM

Balik-operasyon na ang Pasig River Ferry Service (PRFS).

Ito ay makaraang ilang araw na masuspinde ang biyahe nito dahil sa pagdami ng water hyacinths sa Pasig River.

Ayon sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sa pagbabalik operasyon ay lilimitahan lang ang biyahe ng Pasig River Ferry.

Ang magiging biyahe ay mula lamang sa Pinagbuhatan, Pasig hanggang sa Sta. Ana, Manila at pabalik.

Regular pa din ang ginagawang clean-up activities ng MMDA para maalis ang water hyacinths sa Ilog Pasig at iba pang basura gamit ang trash skimmer, trash boat, at trash trap.

 

 

 

TAGS: Inquirer News, mmda, News in the Philippines, Pasig City, Pasig River Ferry, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, mmda, News in the Philippines, Pasig City, Pasig River Ferry, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.