Bus operators dapat sundin ang utos ng LTFRB na gawing libre ang pag-iisyu ng Beep cards

By Dona Dominguez-Cargullo October 08, 2020 - 09:51 AM

Nagbabala ang Department of Transportation (DOTr) sa mga bus operator na maari silang patawan ng parusa kapag patuloy na nagpataw ng dagdag na fees sa Beep cards.

Pahayag ito ni DOTr consultant Alberto Suansing matapos magpalabas ng direktiba ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nag-uutos na alisin ang anumang dagdag na bayarin sa Beep cards.

Simula bukas, araw ng Biyernes (Oct. 9) wala na dapat issuance fee ang Beep cards.

Ang gastos lamang dapat ng pasahero sa Beep cards ay ang load nito.

Magugunitang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos na dapat libre ang Beep cards sa mga commuters.

 

 

TAGS: beep cards, Inquirer News, ltfrb, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, beep cards, Inquirer News, ltfrb, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.