Presidente ng PHAPi na si Dr. Rustico Jimenez pumanaw na

Pumanaw na si Dr. Rustico Jimenez ang presidente ng Private Hospitals Association of the Phils., Inc. (PHAPi).

Kinumpirma ito ng kaniyang anak na si Nina Erica Jimenez.

Sa kaniyang Facebook post Miyerkules (Oct. 7) ng hapon ay kinumpirma ni Jimenez ang pagpanaw ng ama.

Dumagsa na rin ang pakikiramay mula sa pamunuan ng iba’t ibang mga pribadong ospital.

Si Jimenez ay presidente ng PHAPi simula pa taong 2007.

Sa inilabas naman na pahayag ng PHAPi inilarawan nitong “warrior-leader” si Jimenez.

“The Private Hospitals Association of the Phils., Inc. (PHAPi) mourns the loss of its warrior-leader, Dr. Rustico A. Jimenez, an irreplaceable defender and advocate of the rights of private hospitals,” ayon sa PHAPi.

 

 

 

 

Read more...