Operasyon ng LRT-2 sinuspinde matapos ang sunog sa Santolan Station

By Dona Dominguez-Cargullo October 08, 2020 - 08:18 AM

Matapos ang sunog sa LRT-2 Santolan Station, suspendido ang buong operasyon ng LRT-2.

Ayon kay LRTA Spokesperson Lyn Paragas, itinigil muna ang byahe mula sa Cubao hanggang Recto stations at pabalik habang inaalam ang dahilan ng sunog

Sinabi ni Paragas na agad silang maglalabas ng abiso kung maitutuloy pa ang operasyon ngayong araw.

Una rito, sinabi ni LRTA administrator Rey Berroya na sa electrical room kung nasan naroon ang UPS nagmula ang sunog.

Ang UPS gadgets ay ginagamit upang ma-sustain ang railway system.

Sinabi ni Beroya na patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

 

 

 

TAGS: fire incident, LRT 2, operations suspended, Santolan station, fire incident, LRT 2, operations suspended, Santolan station

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.