Globe nakakuha ng 715 na permits mula sa LGU para makapagpatayo ng cell sites
Magandang balita mula sa Globe lalo na ngayong marami pa rin ang naka-work-from-home at mas marami nang mga mag-aaral ang sumasailalim sa online classes.
Inanunsyo ng Globe na nakakuha na ito ng kabuuang 715 na permits mula sa iba’t-ibang LGUs sa buong bansa para mapaigting ang voice at data experience ng kanilang customers.
Ayon sa network company ito na ang pinakamaraming bilang ng permits na nai-release ng mga LGU sa loob lamang ng nakalipas na dalawang buwan.
Ayon sa Globe, bukod sa building permits, naging maganda rin ang pagtugon ng Cebu, Quezon City, Makati, Davao Del Sur, Cavite, Kalinga Apayao, Romblon, Sorsogon, Sultan Kudarat, Mandaluyong, at 38 pang mga lugar ukol sa isinasagawang network rollouts ng nasabing kumpanya.
Inilatag na ng Globe ang 3-pronged strategy nila para sa kanilang network upgrades at expansion.
Kabilang dito ay ang agresibong pagtatayo ng cell sites; pag-upgrade ng mga cell sites nito sa 4G/LTE; at mas pinabilis pa na paglalatag ng fiber para sa home internet.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.