Bayabas, Surigao del Sur niyanig ng magnitude 3.3 na lindol
By Mary Rose Cabrales October 08, 2020 - 07:55 AM
Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 64 kilometers northeast ng Bayabas, alas-7:28 umaga ng Huwebes, October 8.
May lalim na 12 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 5.7 na pagyanig sa lugar noong September 21.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian,intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.