COVID-19 cases sa Brazil kalahating milyon na

Sumampa na sa kalahating milyon ang kabuuang kaso ng COVID-19 na naitatala sa bansang Brazil.

Ang bilang ng mga nasawi sa Brazil ay umabot na din sa halos 150,000.

Nagbabala ang Health Ministry Office ng Brazil na maaring maharap ang bansa sa second wave ng COVID-19.

Ito ay dahil sa pagbalewala ng mga residente sa social distancing protocols.

Noong Hulyo ay napababa na ang naitatalang dagdag na kaso ng sakit sa Brazil kada araw.

Pero nitong nagdaang mga araw muling umabot sa average na mahigit 20,000 hanggang mahigit 30,000 ang naitataang bagong kaso.

 

 

Read more...