Yellow rainfall warning nakataas sa Surigao del Norte at Surigao del Sur

By Dona Dominguez-Cargullo October 08, 2020 - 07:42 AM

Nakararanas pa rin ng malakas at patuloy na pag-ulan sa lalawigan ng Surigao del Norte at Surigao del Sur dahil sa epekto ng Habagat

Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 7:30 ng umaga ngayong Huwebes, Oct. 8, yellow warning ang nakataas sa Surigao del Norte, Dinagat Islands at sa sumusunod na mga bayan sa Surigao del Sur:

Carrascal
Cantilan
Madrid
Carmen
Lanuza
Cortes
Tandag City
Tago
San Miguel

Pinapayuhan ang mga residente na maging alerto sa posibleng pagkakaroon ng flashflood o landslides.

Samantala, nakararanas naman ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Camiguin, Agusan del Norte, at Agusan del Sur (Sibagat, Bayugan).

 

 

 

 

TAGS: Inquirer News, Mindanao, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, yellow rainfall warning, Inquirer News, Mindanao, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, yellow rainfall warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.