India nakapagtala ng mahigit 78,800 kaso ng COVID-19 sa magdamag

Nadagdagan ng mahigit 78,800 pa ang mga kaso ng COVID-19 sa India.

Dahil dito, umabot na sa 6,832,988 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 5.8 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India.

Samantala, mahigit 902,000 pa ang active cases sa India.

May naitala ding dagdag na halos 1,000 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 105,554 na.

Ang India ay pumapangalawa na sa US na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Pangatlo naman ito sa mga bansa na nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng nasawi.

 

 

Read more...