Orange rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Southern Leyte

By Dona Dominguez-Cargullo October 08, 2020 - 05:43 AM

Dahil sa nararanasang malakas at patuloy na pag-ulan nagtaas ng heavy rainfall warning ang pagasa sa ilang bayan sa Southern Leyte.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA alas 5:00 ngayong umaga ng Huwebes, Oct. 8 ay orange warning na ang nakataas sa mga bayan ng Limasawa, San Ricardo, Pintuyan, San Francisco, at Liloan.

Ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng Low Pressure Area at ng Habagat.

Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mga mabababbang lugar at pagguho ng lupa sa bulubundukinig lugar.

Samantala, yellow warning naman na ang umiiral sa Cuyo Islands sa Palawan.

Sa ilang lalawigan sa Mindanao, nagtaas rin ng heavy rainfall warning ang PAGASA.

Alas 4:25 ng umaga, yellow warning ang umiiral sa Siargao Islands at Socorro Islands sa Surigao del Norte.

Katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan sa iba pang bahagi ng Surigao del Norte, Dinagat Island, Surigao del Sur, Agusan del Sur, Davao Oriental, at Agusan del Norte.

 

TAGS: habagat, LPA, orange warning, Pagasa, southern leyte, weather, habagat, LPA, orange warning, Pagasa, southern leyte, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.