Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 42,269

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Miyerkules (October 7, 3:00 PM) nakapagtala ng 523 na bagong kaso kaya pumalo na sa 42,269 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 11,256
Laguna – 13,084
Batangas – 7,523
Rizal – 8,189
Quezon – 2,217

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 17,007.

Nasa 24,296 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 342 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 6,202
Laguna – 8,670
Batangas – 4,456
Rizal – 3,638
Quezon – 1,330

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 9 kaya umabot na sa 966 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 238
Laguna – 224
Batangas – 181
Rizal – 250
Quezon – 73

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

 

 

 

Read more...