Aabot sa 43 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (October 7), 6,270 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 907 ang aktibo pang kaso.
106 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 5,344 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Isa muling pulis ang napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 19 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.