Navotas City, nakapagtala ng siyam na kaso ng COVID-19

Nasa siyam ang bagong kaso ng COVID-19 sa Navotas City.

Sa huling datos hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (October 7), nanatili sa kabuuang 4,966 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 162 ang aktibong kaso o katumbas ng 3.3 porsyento.

12 naman ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 4,663 na ang total recoveries o 93.9 porsyento ng kabuuang naitalang kaso sa lungsod.

Nanatili rin sa 141 ang pumanaw o 2.8 porsyento.

Read more...