Nationalist People’s Coalition, solid support kay Pangulong Duterte – Sotto
Sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ang pinamumunuan niyang Nationalist People’s Coalition (NPC) ay sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Reaksyon niya ito sa tanong hinggil sa posisyon ng kanilang partido sa awayan sa pagitan nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, na naghahati sa Mababang Kapulungan.
May 49 miyembro ang NPC sa Mababang Kapulungan.
“Yong partido namin, ‘yong NPC, pinagbibintangan na kalaban daw, kampi daw kay Cong. Velasco, ‘yong iba naman kay Cong. Cayetano. Pero ang alam namin, at solid ang NPC, sa pagsuporta kay Presidente,” sabi ni Sotto.
Kayat aniya, kung ano ang posisyon ni Pangulong Duterte ay iyon ang kanilang susundin.
Sinabi din nito na kung ang pahayag ni Pangulong Duterte ay sundin ang napagkasunduan na ‘term sharing’ nina Cayetano at Velasco, naiintindihan na ng kanilang partido ang dapat gawin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.