Bahagi ng isang barangay sa Santiago City, isinailalim sa lockdown

Isinailalim sa calibrated lockdown ang ilang bahagi ng isang barangay sa Santiago City, Isabela.

Sa inilabas na Executive Order No. 2020-10-15 ni Mayor Joseph Tan, epektibo ang lockdown mula 6:00, Miyerkules ng gabi (October 6), hanggang 9:00, Biyernes ng gabi (October 9).

Sakop nito ang bahagi ng Barangay Dubinan East partikular sa:
Arellano St. Corner City Road at Roque St.
CM Recto St. Corner Bachelor at Mabini St.

Posibleng mapaaga ang pagtapos ng lockdown kung sakaling maaga matatapos ang isasagawang contact tracing.

May kinalaman ang naturang hakbang sa bagong nagpositibong pasyente sa COVID-19 (CV1902) sa nasabing barangay.

Read more...