Trusted build, planong baguhin ng Comelec

By Chona Yu March 10, 2016 - 07:21 PM

Bautista vcmPinag-aaralan ngayon ng Commission on Elections na magkaroon ng panibagong trusted build o ang machine readable instruction para sa Vote Counting Machines o VCMs na gagamitin sa May 9 automated elections.

Ito ay kung pipilitin ng Supreme Court ang Comelec na gumamit ng voter’s receipt.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, meron ding mungkahi sa En Banc kanina na baguhin ang source code o human readable instruction.

Kasabay nito, sinabi ni Bautista na maghahain na bukas ang Solicitor General ng Motion for Reconsideration sa SC para ipabaliktad ang naunang desisyon.

Sa lunes naman aniya ay pupulungin ang Comelec Advisory Committee pati na ang Technical Committee para pag-aralan kung ano ang gagawin sa kautusan ng SC na mag-isyu ng voters receipt.

TAGS: May 9 elections, VCM, May 9 elections, VCM

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.