Mga gumaling sa COVID-19 sa Muntinlupa City, 4,064 na

Nasa 4,421 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (October 7), sa nasabing bilang ay 211 ang aktibong kaso.

564 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 182 ang suspected cases.

Samantala, 4,064 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 146 naman ang nasawi.

Read more...