Tolentino sa gobyerno: Tulungan lang lahat para sa COVID-19 vaccine
Nanawagan ng pagkakaisa at pagtutulungan si Senator Francis Tolentino sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno para sa pagsasagawa ng clinical trials ng COVID-19 vaccines sa bansa.
Sa kanyang privilege speech, nagpahayag ng pagkabahala si Tolentino ukol sa magkakaibang pahayag ng Department of Science and Technology (DOST), Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) kaugnay sa pagsasagawa ng clinical trials.
“Where do the duties, responsibilities, and accountabilities of the
DOST, the DOH, and the FDA begin and end?” tanong ng senador at aniya dapat maging malinaw din kung sino ang dapat manguna sa ikakasang clinical trials.
Binanggit nito na sinabi ni DOST Secretary Fortunato dela Peña na pumirma na ang Pilipinas ng confidential data agreements (CDA) para sa COVID-19 vaccines ng limang bansa.
Ngunit, itinanggi naman ni dela Peña na may kinalaman o alam nila ang mga napaulat na pamamahagi ng mga mga bakuna sa bansa at kung ang mga ito ay sumailalim na sa tamang proseso.
“This statement is as alarming as it is confusing. This begs the question: who is really in-charge of clinical trials on COVID-19 treatments in the country?” tanong pa din ng senador.
Ipinagtataka rin ni Tolentino ang paulit-ulit na anunsiyo ng DOH at DOST ng schedules ng clinical trials, gayung itinatanggi naman ng FDA na may inaprubahan na sila.
Nais din nito na magkaroon ng ‘roadmap’ sa pagsasagawa ng clinical trials at nanawagan din siya na magkaroon ng malinaw na ‘communication plan’ para naman maintindihan ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang magiging bahagi sa ‘clinical trials.’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.