Beep card, dapat gawing all-around card – Rep. Taduran

By Erwin Aguilon October 07, 2020 - 05:55 PM

Photo from Congress website

Hinimok ni ACT-CIS Rep. Niña Taduran ang pamahalaan para gamitin sa iba pang transaksyon ang Beep card.

Ayon kay Taduran, maaaring gawing debit card o all-around card ang Beep card na magagamit pambayad sa halos lahat ng transaksyon.

Bukod aniya sa pagbabayad sa mga public transportation ay gamitin na rin ang beep card sa iba pang transaksyon tulad sa pagbabayad ng grocery, gamot at fast food.

Inihalimbawa ng kongresista ang Octopus card sa Hong Kong kung saan nagagamit ito sa public buses, ferries, train at taxis, gayundin para sa pagbili sa convenience stores, fast food at pagbabayad sa parking.

Ang mungkahi ay kasunod na rin ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipamahagi ng libre sa mga commuter ang Beep card.

TAGS: 18th congress, beep card, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Niña Taduran, 18th congress, beep card, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Niña Taduran

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.