Kamara, pinakakalma ang lahat sa palutang na ‘No El’ scenario
Pinakakalma ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr ang lahat ukol sa pangamba na hindi matuloy o maging atrasado ang national elections sa May 9.
Ito’y kasunod ng pasya ng Korte Suprema na nag-aatas sa Commission on Elections na ipatupad ang voter receipt feature ng vote counting machines o VCMs.
Ayon kay Belmonte, hintayin muna ang magiging pasya ng Supreme Court sa ihahaing apela ng Comelec kaugnay sa reactivation ng pag imprenta ng resibo ng VCMs.
Sa ngayon, marapat na pagkatiwalaan ang poll body sa paghahanda nito para sa eleksyon, at kung anuman ang gagawin nitong aksyon para mairekunsidera ang SC ruling.
Nauna nang sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na maghahain sila ng motion for reconsiderstion sa Kataas taasang Hukuman.
Gusto umano ng Comelec na maipakita sa mga mahistrado kung paano tumatakbo ang pag iimprenta ng mga makina ng resibo, at nais din ng komisyon na maipaintindi na may disadvantages ang pagpapagana sa voter’s receipt feature ng election machines.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.