Nais ni Atienza na maghalal ng bagong Speaker kahit suspended ang sesyon ng Kamara, hindi uubra
Sinopla ni Deputy Speaker Neptali Gonzales III ang nais ni Buhay Rep. Lito Atienza na magdaos ng sesyon at maghalal ng bagong House Speaker.
Ayon kay Gonzales, iligal ang gagawin ng mga itong sesyon dahil sa ito ay naka-suspend na.
Unofficial din aniya ang nais mangyari ni Atienza at kapag inihalal ng mga ito si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, lalabas na ang election ay para lamang sa isang social club.
Sinabi nito na ang labanan na Speaker ay pakitaan ng tao o mga sumusuporta.
Ang nangyayari aniya ngayon ay media hype lamang dahil ipinapangalandakan sa media ng kampo ni Velasco na mayroon silang numero pero wala namang totoong tao na maipakita.
Hindi aniya tulad noong naghain ng resignation si Cayetano na marami ang nagpakita ng suporta dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.