Bilang ng pamilyang naayudahan sa 2nd tranche ng SAP, umabot na sa 13.96 milyon

Patuloy pa rin ang pamimigay ng tulong-pinansiyal sa ilalim ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Umabot na sa kabuuang 13,965,360 pamilyang benepisyaryo na ang nakatanggap ng cash aid.

Ito ay batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development hanggang 8:00, Martes ng gabi (October 6).

Dahil dito, tinatayang P83.5 bilyon na ang nailabas ng DSWD para sa 2nd tranche ng SAP.

Sinabi pa ng kagawaran na tuloy pa rin ang pamamahagi ng emergency subsidy sa mga benepisyaryo ng SAP, kabilang ang mga “waitlisted” o karagdagang mga pamilya.

Read more...