Bilang ng nasawi sa COVID-19 sa buong mundo nadagdagan pa ng mahigit 8,000

By Dona Dominguez-Cargullo October 07, 2020 - 12:59 PM

Umabot na sa 1,054,604 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, pinakamaraming bilang ng nasawi sa US na umabot na sa 215,822.

Umabot naman na sa mahigit 147,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang death toll sa India ay mahigit 104,500 na.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 82,000.

Umabot naman na sa mahigit 27.1 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 7.8 million pa ang aktibong kaso.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang ng mga bansa:

USA – 215,822
Brazil – 147,571
India – 104,591
Mexico – 82,348
UK – 42,445
Italy – 36,030
France – 32,365
Peru – 32,914
Spain – 32,486
Iran – 27,419

 

 

 

TAGS: Brazil, covid death, death toll, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US, Brazil, covid death, death toll, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.