Ayon kay Deputy Minority Leader Carlos Zarate, nasasakripisyo ang pagbusisi sa mga mahahalagang budget sa 2021 dahil lamang sa agawan sa posisyon nila Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.
Naniniwala si Zarate na sa huli ay walang makikinabang sa mga pangyayaring ito kundi ang Malakanyang upang maisulong ang mga nakalagay sa pambansang pondo.
Kabilang sa mga malalaking ahensya na hindi na naisalang sa plenaryo ang DENR, DFA, DSWD, DPWH, DOTR, DAR, DEPED, DICT, DOH, COMELEC, at DILG.
Para naman kay ACT-TEACHERS Partylist Rep. France Castro, ninakawan ng Kamara ng pagkakataon ang taumbayan namakapagtanong at ipaprayoridad sa mga ahensya ng pamahalaan ang pangangailangan sa edukasyon, kalusugan at pagtugon sa pandemya.
Sinabi naman ni Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago na naisantabi ng isyu sa Speakership ang pangangailangan ng publiko na humaharap ngayon sa health at economic crisis.