Lakers isang panalo na lang ang kailangan para mag-champion sa NBA

By Dona Dominguez-Cargullo October 07, 2020 - 12:24 PM

Isang panalo na lang ang kailangan ng Los Angeles Lakers para makuha ang kampyonato sa NBA Finals.

Ito ay makaraang talunin ng Lakers ang Miami Heat sa Game 4 ng laban sa score na 102 – 96.

Naitala na ng Lakers ang 3-1 sa serye.

Si Lebron James ay nakapagtala ng 28 points habang si Anthony Davis ay nakapagtala ng 22 points.

Gaganapin ang Game 5 sa Sabado.

 

 

 

 

TAGS: Los Angeles Lakers, Miami Heat, nba finals, Los Angeles Lakers, Miami Heat, nba finals

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.