Malakanyang dumistansya sa girian sa speakership sa Kamara

Ayaw nang makialam ng Palasyo ng Malakanyang sa sigalot sa Kamara.

Ito ay matapos suspendihin ni Speaker Alan Peter Cayetano ang sesyon ng Kamara hanggang November 16 nang hindi nangyayari ang speakership showdown sa pagitan nila ni Marinduque Congressman Lord Allan Velasco na nakatakda sana sa October 14.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, internal matter o panloob na usapin na ito sa Kamara.

Didistansya na aniya ang Palasyo sa naturang usapin at bahala na ang mga mambabatas.

Matatandaang ipinagkasundo ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Cayetano at Velasco na magkaroon ng term sharing.

Gayunman, nagpapasalamat ang Palasyo sa Kamara sa pagpasa sa 2021 national budget.

Una nang sinabi ni Roque na hindi katanggap-tanggap kay Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng reenacted budget o maantala ang pondo dahil nakapaloob doon ang pondo para sa recovery at rehabilitation plan sa COVID-19.

 

 

Read more...