Pagpapatupad ng total lockdown sa Tuguegarao City hindi na itutuloy
Hindi na itutuloy ang panukalang total lockdown sa Tuguegarao City na naunang itinakdang ipatupad mula Oct. 9 hanggang Oct. 11.
Ayon kay Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano, nakumbinsi niya ang mayorya sa City Council na iurong na muna ang resolusyon na pagsasailalim sa lockdown sa mga nasabing petsa.
Binigyang-diin ni Soriano na bagaman hindi na matutuloy ang planong lockdown ay hindi mangingimi ang lokal na pamahalaan na isailalim sa total lockdown o Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang buong siyudad kung dadami pa ang local at community transmission sa lungsod.
Sa ngayon ay nakasailalim sa MECQ ang Tuguegarao City.
Kaugnay nito ay umapela ang alkalde sa mamamayan ng Tuguegarao na huwag ng lumabag sa mga pinaiiral na regulasyon habang nakataas ang MECQ.
Patuloy na nasa MECQ ang Tuguegarao hanggang Oktubre-16.
Batay sa huling datos, mayroon 80 aktibong kaso ng COVID-19 ang Lungsod ng Tuguegarao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.