Dating Senate Pres. Jovito Salonga, pumanaw na

By Len Montaño March 10, 2016 - 05:01 PM

jovito salongaPumanaw na si dating Senate President Jovito Salonga ngayong araw ng Huwebes, March 10 sa edad na Nobenta’y Singko (95).

Ayon kay Human Rights Commissioner Chito Gascon, tumawag sa kanya ang pamangkin ni Salonga para ipaalam na yumao na ang tiyuhin kaninang alas tres ng hapon.

Sinabi naman ni Atty. Roberto Mendoza, partner sa Salonga Hernandez Mendoza law office, na ang anak ng dating senador ang unang nagsabi sa kanya kagabi na nasa kritikal na kundisyon ang ama at naka-confine sa Philippine Heart Center.

Wala namang ibang detalyeng inilabas ukol sa dahilan ng pagyao ni Salonga.

Bilang champion ng Philippine Democracy at kilalang kalaban ng Marcos regime, ipinagtanggol ni Salonga ang political prisoners na nakulong ng walang kaso noong Martial Law.

Matapos maibalik ang demokrasya, pinamunuan ni Salonga ang Philippine Commission on Good Government na layong irekober ang mga nakaw na yaman ng pamilya Marcos at kanilang cronies.

Tatlong beses itong nangunang senador, noong 1965, 1971 at 1987 at nagsilbing Senate President mula 1987 hanggang 1991.

Tumakbo si Salonga bilang pangulo noong 1992 sa ilalim ng Liberal Party pero tinalo ito ni dating Pangulong Fidel Ramos.

TAGS: Jovito Salonga, Jovito Salonga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.