BSP may babala sa publiko sa mga nagbebenta online ng 20-peso coin

By Dona Dominguez-Cargullo October 07, 2020 - 09:52 AM

Nagpalabas ng babala sa publiko ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) hinggil sa ipinakakalat na bagong itsura ng P20 na barya.

Ayon sa BSP, hindi ito nag-isyu ng Brilliant Uncirculated 20-peso coin.

Paalala ng BSP sa publiko mag-ingat sa mga online sellers na nagbebenta ng naturang barya.

Ang New Generation Currency ng beinte pesos na coin ay inilabas ng BSP noon pang December 2019.

Hanggang noong Agosto 2020 sinabi ng BSP na umabot na sa 2.09 million na piraso ng 20-peso coin ang kanilang nailabas sa sirkulasyon na aabot sa P41.85 million ang halaga.

 

 

 

TAGS: 20 peso coin, Bangko Sentral ng Pilipinas, Brilliant Uncirculated 20-peso coin, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 20 peso coin, Bangko Sentral ng Pilipinas, Brilliant Uncirculated 20-peso coin, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.