Global cases ng COVID-19 mahigit 36 million na

Umabot na sa mahigit 36 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Miyerkules (Oct. 7) ay 36,029,657 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 308,000 na bagong kaso sa magdamag.

Ang US ay nakapagtala ng mahigit 40,000 na dagdag na mga kaso.

Mahigit 72,800 naman ang bagong kaso na naitala sa India.

Ang Brazil ay nakapagtala lang ng dagdag na 30,000 na mga kaso.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 7,719,402
India – 6,754,179
Brazil – 4,970,953
Russia – 1,237,504
Colombia – 869,808
Spain – 865,631
Peru – 832,929
Argentina – 824,468
Mexico – 789,780
South Africa – 683,242

 

 

 

Read more...