Magnitude 4.0 na lindol naitala sa Surigao del Norte

By Dona Dominguez-Cargullo October 07, 2020 - 09:08 AM

Muling nakapagtala ng magnitude 4.0 na lindol sa lalawigan ng Surigao del Norte.

Ayon sa PHIVOLCS ang pagyanig ay naitala sa layong 53 kilometers Southeast ng General Luna alas 8:32 ng umaga ngayong Miyerkules, Oct. 7.

15 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin nito.

Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Ito na ang ikawalong may kalakasang pagyanig sa General Luna.

Narito ang mga naitalang pagyanig ngayong araw:

4:49AM – Magnitude 4.0 (General Luna)
5:07AM – Magnitude 3.0 (General Luna)
5:18AM – Magnitude 3.9 (General Luna)
5:29AM – Magnitude 4.1 (General Luna)
5:45AM – Magnitude 3.3 (General Luna)
6:05AM – Magnitude 3.6 (General Luna)
6:40AM – Magnitude 4.2 (General Luna)
8:32AM – Magnitude 4.0 (General Luna)

 

 

 

TAGS: General Luna, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, surigao del norte, Tagalog breaking news, tagalog news website, General Luna, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, surigao del norte, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.