Heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Laguna, Rizal at Quezon

By Dona Dominguez-Cargullo October 07, 2020 - 06:12 AM

Nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa mga lalawigan ng Laguna, Rizal at Quezon.

Ito ay dahil sa nararanasang tuluy-tuloy na pag-ulan sa nasabing mga lalawigan dulot ng Low Pressure Area (LPA).

Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 6:00 ng umaga ngayong araw Oct. 7, yellow warning na ang umiiral sa tatlong lalawigan.

Samantala, makararanas din ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa susunod na mga oras ang Bataan, Bulacan, Nueva Ecija at Pampanga.

Habang mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang nararanasan na sa Metro Manila, Cavite at Batangas.

 

 

 

TAGS: Inquirer News, laguna, News in the Philippines, Pagasa, Quezon, Radyo Inquirer, Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, yellow rainfall warning, Inquirer News, laguna, News in the Philippines, Pagasa, Quezon, Radyo Inquirer, Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, yellow rainfall warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.