Magkakasunod na may kalakasang pagyanig naitala sa General Luna, Surigao del Norte

Muling nakapagtala ng may kalakasang pagyanig sa lalawigan ng Surigao del
Norte.

Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang magnitude 4.1 na lindol alas 5:29 ng umaga ngayong Miyerkules, Oct. 7.

1 kilometer lang ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.

Simula kaninang alas 4:49 ng madaling araw, ilang beses nang nakapagtatala ng may kalakasang lindol sa General Luna.

Narito ang mga naitalang pagyanig sa General Luna, Surigao del Norte:

4:49AM – Magnitude 4.0 (General Luna)
5:07AM – Magnitude 3.0 (General Luna)
5:18AM – Magnitude 3.9 (General Luna)
5:29AM – Magnitude 4.1 (General Luna)
5:45AM – Magnitude 3.3 (General Luna)
6:05AM – Magnitude 3.6 (General Luna)

 

 

 

Read more...