Biyahe ng Pasig River Ferry suspendido muna
Pansamantalang suspendido ang operasyon ng Pasig River Ferry Service (PRFS).
Ito ay dahil sa makapal na water hyacinth sa kahabaan ng Ilog Pasig na nagiging problema para makapagbiyahe ng maayos ang mga ferry.
Bagaman tuluy-tuloy ang clean-up activities ng MMDA sa ilog sa pamamagitan ng trash skimmer, trash boat at trash trap, hindi ito naging sapat dahil mabilis ang pagdami ng water hyacinth sa Ilog Pasig tuwing sumasapit ang panahon ng tag-ulan.
Muling mag-aanunsyo ang MMDA sa sandaling maari nang mag-resume ang biyahe ng Pasig River Ferry.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.