General Luna, Surigao del Norte niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Norte.
Ayon sa Phivolcs ang pagyanig ay naitala sa layong 58 kilometers southeast ng General Luna 4:49 ng madaling araw ngayong Miyerkules, Oct. 7.
May lalim na 7 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Samantala, alas 5:07 ng umaga muling niyanig ng magntuide 3.0 na lindol ang bayan ng General Luna.
20 kilometers naman ang lalim ng pagyanig at tectonic din ang origin.
Alas 5:18 ng umaga naman naitala ang magnitude 3.9 na pagyanig sa bayan pa rin ng General Luna at may lalim naman ito na 12 kilometers.
Habang alas 5:45 ng umaga ay naitala ang magnitude 3.3 na pagyanig sa bayan pa rin ng General Luna at may lalim ito na 1 kilometer.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang mga pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.