Mga lumabag sa election gun ban, papalo na sa dalawang libo
Nakaambang pumalo na sa dalawang libo ang bilang ng mga lumalabag sa umiiral na gun ban ng Commission on Elections.
Sa huling tala na inilabas ng Philippine National Police, umabot na 1,932 ang kabuuang bilang ng mga nahuhuling lumalabag sa gun ban sangayon na rin sa itinakda ng Omnibus Election Code.
Umabot naman sa labing lima (15) ang bilang ng mga miyembro ng kapulisan ang naaresto, at anim sa mga natiklong violator ay miyembro naman ng AFP habang nananatili sa labing lima (15) ang mga government at elected officials na lumabag sa existing gunban.
Nananatiling hawak ng mga sibilyan ang titulo bilang pinakamaraming pasaway na lumalabag sa Comelec gun ban na nasa 1,862 na kinabibilangan ng 25 security guard, 2 CAFGU at isang taga BJMP.
May kabuuang 1, 427 naman na mga armas ang nakumpiska sa mga checkpoint operations magmula nang sinimulan ang election period noong January 10.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.