193 kaso ng COVID-19, nadagdag sa Western Visayas
Nagpositibo ang 193 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang October 6, umakyat na sa 12,683 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
3,742 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Sinabi nito na 75.47 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.
163 naman ang gumaling pa kaya 8,661 na ang total recoveries sa Western Visayas.
Umabot naman sa 280 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.