Bayabas, Surigao del Sur niyanig ng magnitude 3.5 at 4.4 na lindol
Dalawang may kalakasang pagyanig ang naitala sa lalawigan ng Surigao del Sur.
Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 4.4 ba pagyanig sa 71 kilometers northeast ng Bayabas, alas-9:22 gabi ng Martes (October 6) at may lalim na 7 kilometers.
Sumunod naman na naitala ang magnitude 3.5 na lindol sa 47 kilometers northeast ng bayan pa rin ng Bayabas, alas-10:29 ng gabi at may lalim na 24 kilometers.
Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 5.7 na pagyanig sa lugar noong September 21.
Tectonic ang origin ng mga pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian,intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.