Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 41,746
Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Martes (October 6, 3:00 PM) nakapagtala ng 437 na bagong kaso kaya pumalo na sa 41,746 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 11,091
Laguna – 12,950
Batangas – 7,412
Rizal – 8,111
Quezon – 2,182
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 16,835.
Nasa 23,954 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 830 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 6,202
Laguna – 8,670
Batangas – 4,356
Rizal – 3,507
Quezon – 1,219
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 7 kaya umabot na sa 957 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 238
Laguna – 221
Batangas – 180
Rizal – 248
Quezon – 70
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.