Haharangin ni Senate President Franklin Drilon ang anomang hakbang para ipagpaliban ang May 9 national elections.
Kasabay nito, mariing kinondena ni Drilon ang Commission on Elections sa patuloy na ginagawang public pronouncements sa posibilidad ng postponement ng eleksyon dahil sa kakulangan ng oras.
Ayon kay Drilon, imbes na maglabas ng mga pahayag ng pagpapaliban ng eleksyon ang Comelec, mag-focus na lamang ang ahensiya at gawin ang lahat ng paraan para matuloy ang eleksyon na ipinag-uutos sa Saligang Batas.
“I strongly oppose the move to postpone the elections. I am strongly against the Commission on Elections’ move to hold off the election based on the Supreme Court decision on the printing of receipts.” ani Drilon.
Kung mangyayari aniya ang ‘no el’, mananagot umano ang Comelec sa batas kapag hindi nasunod ang isinasaad na ibinibigay na mandato ng Saligang Batas sa kanila.