Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lungsod ng Mandaluyong.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department (Martes, October 6, 4:17 PM), umabot na sa 461 ang bilang ng active cases sa lungsod kung saan nakapagtala ng 49 bagong kaso.
Ang bilang naman ng mga gumaling na o naka-recover na ay 4,294 kung saan 73 ang bagong naitala.
Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay umabot na sa 152 kung saan nakapagtala ng 2 na bagong kaso.
Umabot naman na sa 4,907 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.
Ang bilang ng probable ay 20 habang 1,393 naman ang suspected cases.
MOST READ
LATEST STORIES