Nadagdagan pa ang bilang n kumpirmadong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).
Sa huling datos mula sa PNP (Martes, October 6, 6PM) 6,227 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.
Sa nasabing bilang ay mayroong 5,240 na pulis na nakarecover o gumaling na sa sakit kung saan nakapagtala ng 121 na bagong recoveries.
Ang COVID-19 active cases naman ay 969.
Samantala, ang COVID-19 related deaths ay nadagdagan ng 1 kaya umabot na ito sa 18.
Pinayuan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES